Masaya at mapayapang araw sa iyo!

Munti pagbati na puno ng damdamin para sa iyo na tumutunghay sa mga pahina nito. Nawa ay mapasigla namin ang iyong imahinasyon at maka-pilipinong damdamin ng pagmamahal at pagmamalasakit sa ating kultura, sa ating hanay ng mga kababaihan at sa bansang ating ginagalawan.

Pinay o Pinoy man, ipagmalaki mo ang ating lahi. Mabuhay ka!

Sunday, January 10, 2010

Ako ay TEODORA



Ang TEODORA ay organisasyong binubuo ng mga kababaihang Pilipina o Pinay at naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga babaeng Pilipina upang higit pa niyang mapaunlad ang sarili.


Naniniwala din ang TEODORA sa kakayahan, kagalingan at talino ng mga babaeng pilipina at higit sa lahat, sa matatag na relasyon nito sa Diyos, sa mataas na pagpapahalaga sa pagkatao at sa pakikipag-kapwa tao.


Naniniwala ang samahan na mataas ang antas at tungkuling ginagampanan ng mga babae sa pamilya bilang tagapanatili ng kapayapaan sa pamilya, taga-hubog ng pagkatao ng bawat myembro ng pamilya, at tumutugon sa banta ng kakulangan sa pagkain sa pamilya at iba pang batayang pangangailangan ng pamilya. Kumikilos at nagtratrabaho sa loob at labas ng tahanan 12 to 16 oras, araw-araw.


Siya rin ang kadalasang katuwang ng pamayanan para sa pagpapa-iral at pagsasagawa ng mga proyektong kapakipakinabang sa nakararami. Kadalasan, tinitingnan natin bilang Volunteer.


Ako ay TEODORA, tumitingin sa aking lahi bilang mapayapa, mapagkaisa, may prinsipyo, may takot sa Diyos at may dangal. May sariling inisyatiba, malakas ang gabay ng damdamin at pag-iisip. Ang lahing Pilipina. Huhubog sa magiging bayani ng henerasyon at ngayon ay guguhit sa direksyon ng lipunan.


Ako ay TEODORA, hindi si Sisa o Gabriela.

No comments:

Popular Posts